May 30 - Tuesday
Still at the office. super inggit ako sa mga ka-batch ko na nanganak na. Naisip ko kelangan ko magpatagtag so naglunchout ako at nagikot sa glorietta. Nakabili pa ko ng brownies sa Kenny.
Pauwi namin ni Gary parang masakit ang chan ko, ung tipong naje-jebs ako pero pagtry ko wala naman lumalabas. Bago matulog pinakiramdaman ko ang katawan ko if lumalakas/dumadalas ang contractions ko. Every magigising ako to monitor frequency ng contractions. Pansin ko kada gising ko meron palagi pero wala naman akong nararamdamang pain, nde naman sya pasakit ng pasakit.
May 31 - Wednesday
4:00 - nagising ako, hilab pa rin chan. Ginising ko dahan-dahan si gary at mahinahong sinabi, "luv, tulungan mo ko orasan natin contractions ko. asan nga ba ung naprint nating 'stages of labor' na article?" Pagabot nya sakin ng papel, nagstart na sya magayos ng damit at gamit nmin. Ewan ko ba ba't hindi pa ko nagaayos ng gamit ko pero gamit ni baby all set na.
Anyways, pagbangon ko may naramdaman akong parang discharge. Pagpunta ko ng CR meron na kong tinge of blood sa panty. This time alam ko na nagle-labor na ko pero consider ko din baka ma-false alarm katulad ni mhay. Pero tumawag na din ako sa OB ko and sinabihan nya kong dumirecho na agad sa st. claire.
5:00 - nakaayos na kami. my mom insisted that i take a bath kahit nagmamadali na kami. buti na nga lang din pala naligo ako. mejo wla yata ko sa wisyo kasi parang ang weird pra sakin bat ako pinapaligo eh feeling ko sandali lang kami sa ospital hehe or naisip ko wala naman cguro aamoy sakin dun or nagmamadali ako kaya bat kelangan maligo?
6:10 - nasa st. claire na kami pero wala pa OB ko. habang nasa byahe kanina, gusto ng nanay ko naka-hazard ang ilaw namin (over! aga kaya wla namang traffic at nag140kmph kami sa skyway hehe) at hindi si gary ang nagmamaneho kundi ang bestfriend nyang kapitbahay namin (na later on eh gagawin naming ninong ni dani dahil sa pangyayaring ito). anyway, she told me to look for the dr currently in charge sa ER at mag pa IE daw ako para malaman namin if ia-admit na ko or hindi pa. at dahil may ina-iv daw si dr naghintay kami ng mejo matagal kasi daw nahihirapan magkabit at mataba ang pasyente. napaisip tuloy ako, eh ako kaya mataba rin, mahirapan kaya sila hehe. syempre, nde pa kami nagaalmusal at niyaya ako ng nanay ko kumain pero sa tension ko siguro kahit mejo gutom na rin ako eh sabi ko sila na lng muna.
7:00 - inadmit na ko kasi 3-4cm na daw ako. naka-iv na rin ako so nde na ko tlaga nakakain. sabi sakin ng resident, ung ibang buntis eh nagsisigaw na daw sa kalagayan ko samantalang ako eh nakakangiti pa't nakikipagbiruan pa hehe nde nila alam pantanggal kaba lang un :D eto na this is it na, pinasok na ko sa labor room. pwede namn sila sumilip at pumasok pero sandali lang din. Bawal din daw ang celfone kasi sa mga aparatus, pero wag ka ang mga staff dun panay ang text :p buti na lang magisa lang ako sa LR at least wla akong kasabayang buntis na makakadagdag sa kaba ko. eh kahapon pa naman daw mga 11 patients ang meron sila 9 manganganak tpos 3 ang ira-raspa.
* * *
while in LR, nurse attaching a fetal monitor device on my belly* * *
syempre sa una nde ko pa feel na nagle-labor ako, nakakatulog pa ko, usap sa nurse onti. lumipas ang ilang oras mejo na stuck ako sa 4cm. later on, narealize ko dpat nde ako masyado pala natulog at naglalakad na lang muna sana.
after lunch..
tinatanong na ko kung gusto ko ng Demerol, pain reliever ito pero once lang ako pwedeng bigyan so tinitiis ko muna ung pain kasi baka pag kelangan ko na tlaga wla na syang effect pag napaaga ang request ko. nung mejo sumasakit-sakit na binigyan na nila ko tapos natulog na ko ulit. heto na, naalimpungatan na ko sa matinding sakit na naramdaman ko at nd ko na napigil ang sarili ko. by this time nasa 5-6cm na ko. palakas na ng palakas ang ungol ko hanggang sa nagsisigaw na ko hanap ko dr.vita .. "wala pa ba si doc?!", "asan na si doc, ang sakit!!!" by this time, half-awake na lang ako tipong nde ko mamulat mata ko kaya nde ko sila makita. naririnig ko na lang sila,
iha bumaluktot ka..
yuko pa.. tulungan mo nga..
wag gagalaw..
ilang taon na ba tong batang to, may scolio na yata..
eto na ha, wag gagalaw, sandali na lang wala ka nang pain na mararamdaman..
habang ako naman eh sumisigaw at umiiyak..
"matagal pa ba yan?! masakit na eh!"
true enough, nagsubside na ung pain at nakatulog na ko.. drifting na ko by this time, hindi ko na rin nararamdaman pag ina-ie ako. around 3pm, basta narinig ko na lang 10cm nako't pwede na kong dalhin sa Delivery Room. Nung ita-transfer nila ko sa bed na may wheels hirap akong igalaw ung katawan ko kahit iangat ko lang ung legs ko nde ko magawa, grabe i feel so helpless parang hinang-hina ako.
paglipat sa DR, so nakabukaka na ko dun, kahit pa lalaki ang naga-assist wala na kong pakelam. although nagtrim na ko syempre shinave pa nila. nagtatalo pa ung dalawa,
nurse1: "yan lang ba? bat hindi lahat?"
nurse2: "oo, pwede na to."
inorient ako na may bakal sa side incase gusto ko may mahawakan pag umiire. tinatanong ako kung marunong daw ba kong umire, sasabihan naman daw nila ko kung kelan dapat o nde dapat umire. sabi sakin dati isipin ko lang daw na para kong jume-jebs kasi dpat ung force sa chan nde sa lalamunan. kaso parang tumigil sila tpos nagusap-usap. pagbalik ni dra. austria, sabi nya open na daw ako pero nasa station zero pa daw si baby ibig sabihin floating at ayaw pa bumaba ni baby. pag nagtagal pa daw baka maCS ako.. nde ko pa ma-absorb masyado ung sinasabi ni dra, kaya pala nde pa nila ko pina-iire. mya bumalik ulit si dra, tinatanong ako kung ano daw gusto kong cut kung vertical or bikini. sabi ko, doc kung delikado na si baby ok lang na vertical na lang (kasi may nagsabi matagal pa pag bikini mas mabusisi). pero sabi nya ok pa naman daw kasi hindi pa naman daw stressed si baby.
iniwan nila ko magisa sa DR habang nagiisip, hala mac-CS pa yata ako. So kahit hindi nila ko sinasabihan, inimagine ko naje-jebs ako at umire. Pagbalik ni dra at ni-ie nya ko, narinig ko na lang.. nasa station 1 na si baby, Tpos nagdatingan na sila ulit, sabi nya ire misis, ire.. o ulo na to.. ifo-forceps na lang daw nya. mabilis na lang ang mga sumunod na pangyayari, mya onti narinig ko si dra,
"ok, baby out! its a girl!"
* * *
* * *
tapos hawak na ni dra si baby nakita ko ang puti nya tpos lakas ng iyak nya pero nde pa pala sya tapos. mya narinig ko naman
"ok, placenta out!"
hindi ko na nakita kung anong itsura nung placenta kasi nakasunod yung tingin ko kay baby. nasa may far left side ko sya binubusisi ng mga nurse. iyak ng iyak si dani, all the while i was thinking "tapos na?! yun na yun?" hindi ko makapaniwala na tapos na and hoping we'll be ok. mya mya nilapit na sya sakin, picture-picture onti tpos nawala na sya sa paningin ko.
* * *
Staff cleaning DaniDani, still bloody but okI'll be at your side...A closer lookGary, Tita Mina, Mami and Dad had a first look at Dani* * *
after ako tahiin ni dra and the staff's cleaning me up na, they asked me kung gusto ko munang magpahinga or matulog. I don't know what was expected of me na ano na ba dapat ang gawin ko? after cguro an hour, bumalik sila tpos dinala na ko sa room ko.
gusto ko ulit makita baby ko but i was so tired. when i heard from my parents na ok naman si baby sa nursery natulog na ko buong gabi.
June 1 - Thursday
after ko magbreakfast umakyat na ko sa nursery para matry magpabreastfeed. it was the first time i held her and said to myself, "grabe, baby ko to." whatever pains or discomfort na nararamdaman ko, it didn't matter to me at the time. happy na ko just to have her in my arms :)
* * *
* * *
nagbilin ako sa nurse to feed my baby via dropper kaso she told me hindi na nila kaya kasi marami daw silang baby na inaasikaso. Nagworry naman ako sa sagot nya kasi baka hindi nila matutukan si baby kaya i decided to take her out of the nursery. By lunch time kasama ko na sya sa room.
* * *
we stayed at the hospital until friday. After lunch, we paid our bill and nagout na kami. all in all we spent around P31K less na ang Philhealth :) sakto lang sa budget, i was treated well naman sa hospital, the room was kept clean and ok naman so i guess it was all worth it.
ang tanong, uulitin ko pa ba..
ang sagot, pass muna :)
* * *
first family picture