.......nung ako'y bulinggit pa, madalas akong mabulyawan ng lola ko, "lipa ka na naman ng lipa eh may sireno na, lagi pang patikar ay pag nalaba naman at bakbak ang tuhod ay ngal-ngal."
......sabi ng wag kung saan pasula sulangot at baka maligwin, bago luluklok sa tangwa ay pag nabulid ka riyan ay balbal naman ang bungo mo"
.....dahil dine po sa amin ang upo ay tabayag, ang salukot ay sawing, ang kalamansi ay kalamunding, ang barya ay mulay, ang munggo ay balatong, ang ngiti ay bungisngis, ang kagat ay ukab, ang singko ay sang bagun, ang lagnat ay landang, ang posporo ay apuyan, ang kuhol ay tambunganga at ang pangit ay butsikik, hehehehe, syangapala ang kape sa amin ay barako. - Ramil Ilagan
* * *
nung saturday pagdaan ko sa bahay, akala ko isa itong malaking honeydew, un pala local upo lang! hehe.. nishare ko lang ung blog entry sa taas kasi natuwa kong sobra :D i guess batangueñong hilaw ako harhar
No comments:
Post a Comment