Thursday, February 16, 2006

classic moves

haay.. ang hubby ko talaga, praktikal pero thoughtful pa rin. vday lunch time, i was supposed to buy him kahit card lang sana kaso tinamad na kong pumunta sa national greenbelt tapos wala pang kwenta mga greeting cards sa lobby ng building. eto na, garry's waiting for me na sa landmark. syempre nikiss nya ko agad paglapit ko *muah* sabay abot ng plastic na may lamang..

*tada*

greeting card!

at syempre nde ko sya nabasa agad. papunta sa kakainan namin, aya ko sya buy kami gift ko sa kanya (nakunsensya kasi walang abot hehe) eh ayaw naman nya. so, kumain muna kami sa north park with our usual favorites: sweet and sour fish fillet, yang chow, lemon chicken. mango shake for him and four seasons for me :) may leftovers pa para breakfast kinabukasan hehe. grabe, pagbalik namin ng parksquare at pumila na kami, super haba! at sa tagal naming nagkatambay dun, pinapanood namin yung mga lalakeng bumibili ng rose dun sa isang booth. merong nagtitipid isang piraso lang (P50), may nakabox na short-stemmed P100/P150, meron namang galante medyo, 3pcs with fru-frus (P250), depende presyo sa setup/arrangment. Mura na rin kesa sa mall, basta meron. Tapos may nakita din akong may mga dalang bouquet na alam mo specially arranged mga holland tulips baga. Pero ang kinaiingitan ko sobra yung mga may dalang ... CAKE! hehe

sa awa ng dyos, nakauwi na kami sa bahay. pagkapahinga ng kaunti at busy si mister sa panu-nuod ng basketball, pumasok na ko ng bedroom at nagbasa... nagbasa... kinilig.. at napaluha... touch ako sa words ni hubby. super simple pero alam ko galing sa heart, hindi nambobola *hikbi*

love you, mahal... salamat! *muah*

1 comment:

Faye said...

ano kaya ang sabi ni mister?! hmmm... :) hey, kitts! sarap ng feeling noh lalo na when you least expect it. o baba na sa cloud nine. tc misis!