well kung yun eh ayaw nyo magpupok ng player kada load ng cd haha since walang work last saturday, dinayo pa ni garry ang mga pirated cds sa MCS. heto na't panu-nuorin na namin ang pinakaaabangan nyang "Coach Carter" nung una mejo ok pa, memya eto na nags-skip na, at syempre na badtrip ang aking asawa. isa lang ang solusyon jan kundi ang bumili ng bagong player! aba mayaman! haha so kinalinggohan pangkatapos namin dumaan ng simbahan (nde na kami nakaabot sa misa't nag pray na lang din) pinasyalan namin ang appliance center. balak ko sana xenon na lng din since eto ang brand ng speakers namin mga P3K lng sya pero cguro nadala na ang aking mahal sa mga hindi branded eh naligaw kami bandang sony at philips. lamang ang sony ng P500 pero sabi ko parang ok na rin ung philips dahil may videoke function samantalang ang sony eh wala. at dahil dun nakumbinsi ko syang bumili sa halagang P5.4K na pumapatak P1.8k payable in three months :D at syempre pa, excited akong umuwi no. tawa ko ng tawa sa Hitch.. Batman Begins is so-so naman.
* * *
kwentong mall ulit, nakita namin 50% ang mga comforter/bedsheet set sa SM dept store sabi ko kay garry, silip namin ung ibang designs sa taas. pumanhik na kami't nagtingin-tingin. may nakursunadahan kami mejo tpos nde namin makita ang price eh di nagtanong ako sa saleslady. eto na, napagtanto namin na P3k pala ang halaga neto at nagumpisa na ang salestalk, may-i-bulatlat na nya ang comforter at mega-explain bakit sulit syang bilhin. i was trying to tell her na wala pa sa plan namin bumili nagtanong lang muna etc.. at syempre ang kinahinatnan ng lahat, napabili kami nde ng comforter kundi ng bedsheet/pillow set, balikan na lng namin ang comforter sa ibang araw pag may pera na kami ;p haay..
mental note: to avoid impulse buying, throughly search for a tag and check the price first before asking persistent attendant :p
* * *
nung sunday, tanghali na kong nagising kaya napagisipan kong magbike na lang ng hapon. e, umulan. e, ano ngayon?! nagbike pa rin ako :D ang saya!
you should try it sometime ;)
1 comment:
kitts, kaya pala ayaw magwork ng dvd, kasi pirated ang dvds... hehehe... o baka yung player ang pirated. hahaha
Post a Comment