Thursday, June 23, 2005

heartbreaks and resignation

ngayon ko lang naisip na ang pagresign pala eh parang pakikipagbreak sa matagal mo nang boyfriend. i have had my share of breakups pero matagal na panahon na yung nangyari. and now that's its happening to me, ang sakit pala talga.

feeling ko parang ang selfish ko kasi iiwanan ko ang mga nakatrabaho ko sa gitna ng problema. hindi ko na ija-justify kung bat kelangan ko umalis. ang alam ko lang nagtrabaho ako at ginawa ko kung anong kaya kong gawin.

sa ngayon lumalabas lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko.. cguro ganon nga tlga, diba pagnagbe-break ang usual dialogue eh kasi hindi mo to ginawa or kasi ginawa mo to. i'm willing to take the blame, kung san kayo masaya, ok lang.

ang masasabi ko lang, makakalimutan nyo din ako.

7 comments:

Rose David Paje said...

ano ka ba...sarap-sarap ng feeling ng nag resigned eh. imagine makikita mo sila kandarapa sa deadline samantalang ikaw eh relax habang nililigpit ang mga personal mong gamit.

Enjoy mo yung araw na umalis ka sa company and forget bitterness.

ako kaya kelan ko mararamdaman yung feeling ng nag resigned! sana soon.

Faye said...

hi, kitts!

aaawwww!!! i'm sorry to know you're feeling that way. well it's just but normal especially if you got close with the people you worked with. it'll pass! just think of it as something you really have to do...for your own reasons! tc.

Leslie said...

hay naku! second nature na yata natin ang ipasa sa iba ang kasalanan. kahit ano gawin mo, laging may mali pa rin na makikita ang ibang tao. Hayaan mo na sila. Aalis ka rin naman sa trabaho mo at some point. baka blessing in disguise na yang nangyari.
cheer up, girlfriend!

MrsPartyGirl said...

its ok to dwell for a while on the past, on the 'what ifs', and on the 'what might have beens', but not ok to dwell on them forever. ika nga, move on. in the end, they will get on with their lives and you'll be surprised to find you are better on your own.

naks, pang-break up advise yan. just don't be too harsh on yourself sis. this may be the fresh start that youve always needed pala, malay natin? tc! *hugs*

Alma said...

if it's ok to ask, will you be transferring to another company or will you be a plain housewife?

i also have my own problems in the office now...hoping na maayos soon. if not, might have to consider other options which includes finding another job. oh well, life!

Me said...

rose: haha! natawa naman ako sa post mo parang hmm.. oo nga no?!

faye: true, kasi i've been with them for seven years na so may personal attachment na rin tlga.

les: taray ng lola! ;) sabi ko nga, saluhin ko na lahat ok lang yun, escape goat ba hehe yun na lng maibibigay ko sa knila.

mia: yup, baka ngayon lang to. magugulat na lng ako, nakalimutan ko na sila haha what i'm trying to avoid kasi is yung bitterness on their part kaya mejo paawa effect post ko haha

alma: aakyat ako haha.. dati kasi 14th floor ngayon 25th floor ng same building ... lipat company :) hope maayos na rin work situation mo. basta try to be rational before making your move ha!

thanks guys sa support. magkwento pa ko ulit sa susunod kung ano na ang nagbago haha

Ver said...

Aakyat ka pala ng opis. :) May time na magreresign na sana ako pero parang di ko sila kayang iwanan. Drama no? Ayun, hindi ako natuloy. Huhuhu.