Mine was quite tiring but fun. Hindi talaga biro ang magalaga ng toddler, considering babae pa ang anak ko ha, pano na kung lalaki. Generally speaking, mas malikot at maharot daw kasi ang lalaki diba.. pero grabe, nakakapagod din talaga magalaga kay Dani.
Friday night, dumating kami tulog na sya. Kaso nagising around 9pm, ayun ayaw na matulog, inabot kami ng 11pm saka sya nakatulog ulit. Saturday night naman, ganun din nagising ulit alanganing oras tapos ang matindi inabot kami ng 1am kasi ayaw talaga matulog eh. Kagabi, pinakiusapan sya ni gary (hehe, nakiusap na talaga), aga daw matulog si Dani kasi may work na kami kinabukasan. Sa awa ng Dyos, 830pm nagkusa na sya matulog :D
Ang worry ko ngayon kasi, parang na-aassociate ako ni Dani sa playtime kaya hirap akong magpatulog sa kanya. Pero gusto ko talaga pag nagpapatulog sa knya kasi ang lambing nya pag nagpapaantok.
* * *
Was able to watch F4's Silver Surfer.. ok lang, hindi ko sya uulitin ulit hehe pero I like their aircraft ha.. chaka ang cutie ni Johnny Cash :D
* * *
Naiwan ko (Eragon) book ko sa office so wala rin, hindi ko rin nabasa. Was planning to do some LO's para mapost ko ngayon, wala rin akong nagawa :p
1 comment:
Hi Kitts! I agree, it's no joke taking care of a toddler. Pero nakakatuwa rin kasi andami na nilang tricks.
Love ka ni Dani kasi she wants to play with you. What time do you usually get home ba? Sana mas maaga noh para mas maaga din sleeping time ni Dani.
Post a Comment