Last Saturday morning, nagtext ang aking ina at nagpapatawag. Nang makausap ko sya, niyaya nya kaming umuwi sa Pampanga kasi piyesta. Somewhere in NLEX, we had a short stop, eat lunch at Chowking and drinks at Starbucks (coupons from hubby). So upon our arrival at Masantol, I heard my mom talking about a bangka waiting for us. It was then that I realized that we are actually going to the bukid, far from the bayan I was expecting.
My initial reaction was fear, not for the thought of me facing my relatives and them saying "Ang taba mo" (ha!) but fear for dani since it'll be her first time on a boat, not just a boat but a small bangka :p Idagdag mo pa ang asawang kong hindi gaanong marunong lumangoy. So ang ginawa ng lola nyo, inaliw ko na lng silang parehas with tales from my childhood memories. Sa awa ng dios, makalipas ng mahigit kumulang trenta minutos, basa man ng kaunti, eh nakarating kami ng maayos.
Masayang malungkot bumalik sa isa sa mga lugar na pinagbabakasyonan ko nuon. Iba pa rin ang kapanatagan na mararamdaman mo tanaw ang bukid at palaisdaan. Sana nadala ko ang camera ko diba ;p hintayin na lang natin ipadala ng kapatid ko ang kuha ko sa celfone nya at ipo-post ko agad dito pag nagkataon :)
O sya, dapat eh mga isang paragraph lang to, napapadrama medyo pero gusto ko man ikwento ng tagalog lahat.. ang hirap pala. It doesn't come naturally to me anymore..tsk..tsk. Must be my IQAir.
1 comment:
Alam mo Kitts, nakakatuwa ka talaga..:D napapa tagalog tuloy ako! hehehe...
Pero nakakamiss nga ang mga tanawin gaya ng bukid at palaisdaan....:(
Kumusta na pala ang bday preps mo?
Post a Comment