ang natitirang kinse minutos bago magsimulang magtrabaho. at least nailathala ko na ang ibang saluobin ko nitong mga nakaraan araw. Ay, hindi pa pala masyado't puros pangyayari lang ang naipahayag ko.
lekat, ang hirap talaga maggawa ng salaysayin ng buo sa tagalog. Anyways, I was able to finish The Lovely Bones at naiyak akong sobra. Wan ko parang gusto kong isulat lahat tungkol sa buhay ko (limited topics to selected readers, of course) lalo na yung masasayang alaala na gusto kong iwan sa mga minamahal ko sa buhay. Tapos binalikan ko (more like scanned a chapter) ang Five People.., yung concept ng misis nya of heaven: everyday is a wedding day. Iniisip ko kung ano ang Heaven sakin, kasi definetly ayoko naman ng palaging masaya, parang nakakauta rin yun diba?
At syempre dahil nasa trabaho ako ngayon, unti-unti nang dumadami ang katauhan dito :) Kaya yun lang, may bago lang akong entry dito't maparamdam na buhay at masaya ako eh solb na ko nun ;) O sya, work is calling :) Pasyal na lang ako sa mga blog nyo mya ;)
1 comment:
akala ko kung ano na yung in-email mo sakin eh... wala pa oras magbasa, pag weekend siguro =P
Post a Comment