Monday, August 25, 2008

Kuto

yup, si yaya ay may kuto. si dani ay may kuto.. ako ngayon ay may kuto. nakakahiya no? pero ganun talaga, pag nahawaan ka, no choice kundi magsuyod at gumamit ng anti-headlice shampoo.

nalaman ko to kahapon, pasaring na sinabi ng kumare ko na sinabi ng katulong nila na kinukutuhan nya daw si yaya. tama namang nangamot ng ulo ang anak ko at dali-daling tinignan ng isa pa naming kapitbahay at nakasipat ng isang patay na lisa. magdamag kong inisip kung ano ba ang dapat kong gawin dahil nga sa aking non-confrontational at uber-sensitive nature, inabot ako hanggang kaninang hapon para lapitan sya tungkol dito.

pano ba naman nakakita na ko ng mahigit na sampung buhay na lisa galing sa anak ko nung sinusuklayan ko sya pagkatapos maligo.

eto na nga:

K: ate G, eh kasi, may nakita kaming lisa kay dani kahapon, baka gusto mong magpagupit ng buhok, pasama ka nalang kay ate L
ate G: *bulong-bulong*
ate L: ayaw nya daw po magpagupit
K: hmm.. eh kasi ang haba na ng buhok mo eh para naman lumitaw yang mukha mo at maginhawaan ka ng onti. makakatipid ka pa sa shampoo.
*abot ang pera kay ate L*
K: *pabulong* kaw na lang kumausap, paki samahan na lang sya sa GMA siguro.
K: *sa lahat* chaka pakibili na rin ng gamot (sa kuto) kasi parang nangangati na rin ako.

so iniwan ko muna sila at pumasyal sa kumare kong kapitbahay. maya lang eh bumalik na si ate L at nagbihis, nagpapasama daw si ate G.

haay salamat.

pagdating nya dito sa bahay nakita kong mejo mahaba pa rin ang kanyang buhok pero nakatali naman. bago ako magkulong sa kwarto, pinuntahan ko muna sya at kinausap. sabi ko wag syang magagalit sakin at pinilit ko syang magpagupit kasi mahirap na pag si dani ang nagkakuto (which meron na nga) at kung may problema man sya sa kung anuman, sabihin nya lang samin para makatulong kasi syempre iniisip din naman namin sya. ayun, tumango naman.

kanina, imbes na magpakasasa ako sa internet habang nagpapaantok eh sinamantala ko ang himbing na pagkakatulog ng aking anak at binusisi ang kanyang ulo. madami-dami na rin akong naalis na lisa at nakakuha na rin ako ng dalawang inahen. wala pa naman akong nakikitang kuyumad na mahirap hulihin dahil sobrang bilis neto.

tamang duda, ako naman ang nagsuyod at nakakuha ako ng isang inahen. hindi pa naman kumakati ulit ang anit ko at puro patay na lisa ang nasipat ko pero bukas magsusuyod ulit ako't gagamit din ng anti-headlice shampoo.

grabe na ito, minsan lang ako makapagblog, nakakadiri pa ang topic ko. oh well, ni-share ko lang. just in case you'll be in the same predicament in the future ;)

6 comments:

Edwin Quita said...

pagamit mong shampoo yung baygon! ako walang pag tataguan mga kuto, kitang kita sila heheh =P

MrsPartyGirl said...

ang tagal ko nang hindi nakakarinig or basa ng terms na kuto, lisa, kuyumad, hehehe. samantalang nung bata kami, tuwang-tuwa kaming nagkukutuhan na magkakapatid at magpipinsan, nyehehe.

sana gumaling na si dani. dito pa naman kapag nakita nilang may kuto ang bata, pinapa-pedia talaga, tapos di pinapapasok sa school hangga't wala nang kuto. tapos kapag dalawang beses na naulit yun, kinukuha ng social services at hinihiwalay sa magulang ang bata kasi daw proof daw yun na unhygienic ang bahay, therefore child abuse. acheche!

jolen said...

yay.. feeling ko nangati ang tuktok ko habang basa ko tong post mo!

tanggalin mo na mga kuto ni dani, pwede na ba siya nun mga nizoral? matapang kasi masiyado. kasi baka mangati na din mga batok nya, kinakagat din ata ng kuto yun eh..

sana matanggal na yang mga kuto nya, kundi ililipad kayo nyan! heheh

Me said...

bro, parehas kayo ni gary, dinadaanan lang ng kuto ang ulo nyo hehe

mee, ah tlaga.. buti na lng pala talaga at andito kami sa pinas hehe hinde ko pa nache-check ulit ulo ni dani kasi atok na ko pagkasleep nya eh, tsk.

jo, oo nga may bites na sya sa batok. may nireco yung pedia nya licealis pero hindi ko pa nabibili, bad!

~ Mhay ~ said...

Sis, si jaden nagkaroon din nyan before. Buti na lng naagapan ko. Nahawa sa pinsan nung natulog dun. At na biktima din ako. Grabe di ako mapakali nun sa kati kakaiba e. Thank God, naalis naman agad sa anak ko at sakin, kakasuyod :D

jolen said...

haha..kamote talaga ko. di pala pang kuto yung NIZORAL, pang balakubak nga pala yun! nyeyee.. kinorek ako ni jason eh :p