Fantastico, I was able to update Dani's blog. I just typed and typed. I wish I could be more specific on her milestones. Kaya nga nakapili na ang videocam sa projects next year kasi syempre iba pa rin if you can see your child doing her thing diba :D
Nga pala, since hindi kami nakasama sa EK with hubby, pupunta na lang dapat kami kay Dra for Dani's monthly checkup and meningo shot. Usually pumupunta kami dun by 11am. Kaso nakatulog si Dani at nagising ng mga 1pm na. I texted Dra asking her how much yung shot (P2K daw) kaso she's not in her clinic na daw so next week na lang kami punta ulit. So ang siste, nagpunta na lang kami ni dani, kasama si yaya rosel, sa SM Dasma at nag-malling :D Before going, I even made a list which mostly consists of Dani's stuffs hehe
Nasa SM kami ng 2pm and was there until 10pm. Sabi nga ni hubby sinulit daw namin ang paglabas. Sa isip ko, buti nga hindi kami napagsarhan haha. Dinaanan na lang kami ni hubby dun galing sa office nila (bumalik pa kasi after their EK trip). So dun na din kami nagdinner, we ordered Nilagang Baboy and Relyenong Bangus combo sa Goldilocks. At ang bata, kumain pa rin :D Natapos na kami't lahat eh nakatingin pa sa kabilang table at parang gusto pang humingi :p takaw!
I'll try to do a separate post on stuffs we bought tonight. Pag kinaya pa ng powers ko magpicture at magpost ulit kasi 2:30am na diba? As always, ako na lang ang gising dito sa pamamahay namin :>
2 comments:
hay, miss ko mag mall ng hanggang closing. Kaya hanggang ngayon di pa din ako sa tapos sa xmas showwing ko
Uy Scrappa Rappa! Nice to!!
Post a Comment