nung malubog sa tubig ang mga bukid sa pampanga (nagoverflow ang ilog dahil sa lahar) at wala kang malakarang puritil, no choice ka kundi sumakay ng bangka para makapunta sa malapit na tindahan. pag bakasyon, usually panahon ng tubo at ito ang aming chichiria sa bukid. dahil sa wala akong makasamang matanda at naghahanap ako ng mangangata, niyaya ko na lang ang pinsan kong si marie na bumili ng tubo sakay ng bangka. kahit parehas kaming nde nman bihasang mamangka eh nakarating nman kami. pagabot ko ng bayad at dahil kelangan kong sumampa panandalian sa gate ng tindahan eh umusog patalikod ang bangka at ako nman eh nakasampay sa gate at nagsisigaw, takot na mahulog sa tubig na puros burak. ang lukaret kong pinsan, nagtatawa muna bago sumagwan papalapit sakin. nakakatawa daw kasi talaga ang itsura ko. pagsakay ko ng bangka hanggang pabalik sa bahay eh tawa pa rin kami ng tawa. ayan kasi, addict sa tubo.
* * *
akala ko noon, nakakaalis ng tartar ang tubo. pero hindi nga? nakakalinis naman sya ng ipin diba? pero ang kaibigan kong si O, natapyas ang ipen pagkagat sa tubo haha
2 comments:
heheheh punta ka dito at libre kita sugarcane juice. hehehe ang galing nga walang ka effort-effort instant juice.
nakalimutan ko na nga lasa eh pero feeling ko refreshing sha :D cge rose, tandaan ko yan ha pagpunta ko jan ;)
Post a Comment