Tuesday, September 04, 2007

K.K.K.

I was able to get a downloadable pdf list of 100 in 10 Creative Ideas for Scrapbook Pages. Nice 'to and very helpful, something I can read offline pag nagdi-digiscrap sa house :)

* * *

Kagabi paguwi namin, mejo maaga kami kya naabutan pa namin si kulit na gising. Pagbukas pa lang ng pinto bumalikwas na agad at naninigas sa excitement nang makita tatay nya :D ang resulta, 9pm na naman sya nakatulog kagabi kasi nga nagsayaw-sayaw pa at kung anu-anong delaying tactics para wag muna matulog :D ewan ko lang kung maya pag uwi namin eh maabutan namin sya ulit, kasi pagdating pala ni gary sa office nila eh flat pala ang right rear tire nya so magpapalit pa sya bago kami makauwi.

* * *

kaninang lunch, girl talk. ang topic ay kung nanu-nuod ba kami ng movie pag nag de-date nila boyfriend. naisip ko itanong kung sila ba eh pumupwesto sa KKK. Mantakin mo un at hindi nila alam kung ano ang KKK. Hmm.. palibhasa kakaiba na nga kasi ang mga sinehan ngayon. Natanong ko pa kung naabutan ba nila na merong two seater sa balcony :D hehe natawa lang ako. wag mo na tanungin kung isa ba ako sa mga pumupwesto dun kasi malamang hindi mo rin ako nakita nun kasi andun ka rin at "busy-busyhan" ka hehe

No comments: